Martes, Oktubre 27, 2015

Paano kinokompyut ang mga marka ng estudyante gamit ang MS Excel?

Sa pagdedemo sa seksyon na ito, kokompyutin natin ang marka ng mga estudyante sa isang Kwarter o Lagumang ng Science Subject. Nakalagay na rin dito ang mga Iskor ng bawat estudyante. Ito ay nakaayos narin. 


Ang DepEd ay naglabas ng gabay sa pagkompyut ng mga marka sa makabagong K-12 Curriculum. Nakasaad ito sa DepEd Order No. 8 s. 2015.


Sa pagkompyut ng marka ng estudyante ay may tatlong tinatawag na Grade Component: ang Written Work, Performance Tasks, at Quarterly Exam.

Step 1: Hanapin ang mga Total Score ng Bawat Grade Component


Para magawa ito sa MS Excel, iaadd mo lang ang mga iskor ng isang estudyante sa isang grade component. Ito ay magagawa sa pamamagitan ng pagtype ng “=” (equal sign), tapos ung cell ng unang iskor , tapos “+” (plus sign), tapos ung cell ng pangalawang iskor, hanggang maiadd mo na ang lahat ng mga iskor.

Sa larawan sa itaas, inadd ang mga iskor na binubuo ng written work. Nakalagay sa formula bar ang formula na:
=B9+D9+F9+H9+J9+L9+N9+P9+R9+T9+V9+X9+Z9+AB9+AD9+AF9+AH9+AJ9


Ang sagot sa Total Score ng unang estudyante ay 525.
Para makuha ang Total Score ng iba pang estudyante...


Pipindutin lang ang pinakababang kanan ng cell ng Total Score ng unang estudyante, tapos i-dradrag down mo hanggang sa pinakahuling estudyante.


Ganoon rin ang gagawin sa ibang Grade Component.





(Sa Quarterly Assessment, hindi mo na kailangan hanapin ang Total Score. Ito ay isang Quarter Exam o Lagumang Pagsusulit at isang beses lang ito ibinibigay sa isang kwarter.)

Step 2: I-convert ang bawat Total Score sa Percentage


Paano natin iyon gagawin sa MS Excel?

Bago natin iconvert ang Total Score sa Percentage, Itototal muna natin ang Highest Possible Score ng bawat assessment.


Ang Highest Possible Score sa Written Work ng lahat ng estudyante ay 585. 


Samantala ang Highest Possible Score sa Performance Task ay 230. Sa Quarterly Assessment, ang Highest Possible Score ay 100.

Ngayon, para makuha ang Percentage ng bawat estudyante, ididivide lang ang Total Score sa Highest Possible Score tapos ititimes sa 100.


Para magawa ito sa MS Excel, ang formula natin ay:
=AL9/AM9*100
dahil ang Total Score ay nasa AL9 samantala ang Highest Possible Score ay nasa AM9. Ititimes natin ito sa 100. Ang sagot sa Percentage ng unang estudyante ay 89.74.

Katulad nung kanina, pindutin lang ang pinakababang kanan ng cell na iyon at i-dradrag down hanggang sa pinakadulong estudyante para makuha ang Percentage ng bawat estudyante. Ganoon rin ang gagawin sa ibang component.


Step 3: I-convert ang bawat Percentage Score sa Weighted Score


Dahil sa Asignaturang Science tayo nagkokompyut, ang Written Work ay 40 %, ang Performance Task ay 40%, at ang Quarterly Assessment naman ay 20%.

Para makompyut ang Written Work, ititimes natin ang Percentage ng estudyante sa 40 % o 0.4.


Para magawa iyon sa MS Excel, ititimes natin ang cell ng Grade o Percentage Score ng Estudyante sa 40 % o 0.4 dahil ito ay sa Written Work.

Kaya ang magiging formula noon ay:
=AN9*40%
dahil ang cell AN9 ang cell ng Grade o Percentage Score at 40 % ang Weighted Score ng Written Work.

Ang nakuha natin sa Written Work ay 35.90.

Para mahanap rin ang Weighted Score ng ibang estudyante sa Written Work, pipindutin ang pinakababang kanan ng cell at i-dradrag down. Ganoon rin ang gagawin sa ibang grade component, sa Performance Task at Quarterly Exam. Sa Performance Task naman, sa 40 % rin ito ititimes at sa Quarterly Exam, 20%.


Step 4: Iadd ang Weighted Score ng bawat Grade Component


Iaadd natin ang Weighted Score ng Written Work, Performance Task, at Quarterly Assessment.

Ilalagay natin sa formula ang:
=AO9+BA9+BE9
para maiadd ang bawat Weighted Score


Ang sagot sa Total nung unang estudyante ay 85.70. pipindutin ulit natin ang pinakababang kanan ng cell at i-dradrag down para makuha ang Total ng ibang estudyante.
Ang tawag sa Total ng mga Weighted Score ng estudyante ay Initial Grade.

Step 5: I-transmute ang Initial Grade

(Nakalagay sa pinakakanang bahagi ng worksheet ang Transmutation Table. Doon natin pagbabasehan ang Transmuted Grade ng bawat Initial Grade.)


Para magawa natin iyon ay gagamit tayo ng Vlookup Function.


Ilalagay natin sa may bandang Transmuted Grade ang “=” tapos yung salitang VLOOKUP, tapos ung cell na kailangan nating itransmute (iyon ay ang cell BF9), tapos ung table ng mga transmuted grade sa bandang kanan (iyon ay BM9:BM49), tapos pipindutin natin ang “F4”, at sabay i-tytype natin ang 2 (dahil sa transmutation table, yung pangalawang column yung mga value ng transmuted grade).


Katulad ng kanina, para makuha ang transmuted grade ng ibang estudyante, pipindutin natin ang pinakababang kanan ng cell at i-dradrag down.

At dito natatapos ang pagkompyut ng mga marka ng estudyante!


2 komento:

  1. it really helped me a lot. thank yo very much

    TumugonBurahin
  2. What is a sportsbook at Mohegan Sun? - KTNV
    A sportsbook 이천 출장마사지 at Mohegan Sun was created in 1995. The idea of 통영 출장마사지 a wagering requirement in 과천 출장안마 sports gambling was that 김천 출장마사지 bettors were not eligible to 밀양 출장샵 make a

    TumugonBurahin