Martes, Oktubre 27, 2015

Paano inaanalisa ang mga marka ng estudyante gamit ang MS Excel?

Ang pag-aanalisa ng mga marka ay ang paraan kung sino ang may pinakamataas o pinakamababang marka. Ito rin ay ang paraan ng pag-alam kung pasado o hindi pasado ang grado ng isang estudyante.

Sa pag-aanalisa ng mga marka ng estudyante, pwede nating iranggo ang mga estudyante sa kanilang marka.


Para mai-ranggo natin ang lahat ng mga estudyante sa kanilang marka, gagamit tayo ng RANK Function. Sa katabing cell ng mga grado, ilalagay natin ang “=RANK”, tapos “(“, tapos yung cell ng ikaunang estudyante(BG9, ito muna ung irarangon natin), tapos yung saan irarango yungunang estudyante (table BG9:BG28), tapos “F4”, at “)”.


Katulad noong kanina, i-dradrag down lang ang pnakababang kanan ng cell hanggang umabot sa pinakadulong estudyante, para makuha ang ranggo ng mga iba pang estudyante.


At dito malalaman natin kung sino ang nangunguna sa mga estudyante, pati narin kung sino ang nahuhuli sa mga estudyante!


Ang Conditional Formatting ay isa ring uri ng pag-aanalisa ng mga marka sa mas makulay at mas magandang paggamit ng Excel.

Para magawa natin ang Conditional Formatting, punditun lang natin ang mga trinansmute na mga grado, at pumunta sa Conditional Formatting (ito ay matatagpuan sa ilalim ng Home Tab sa bandang Styles).


At ito ang paraan ng pag-aanalisa ng mga marka ng mga estudyante!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento