Martes, Oktubre 27, 2015

Ano nga ba ang MS Excel?



Microsoft Office Excel 


Ang Microsoft Office Excel (mas kilala sa tawag na MS Excel o Excel) ay isang uri ng electronic spreadsheet program na dinebelop ng Microsoft para sa Windows at Macintosh. Ito ay kasama sa Microsoft Office Suite na kung saan kasama rin ang ibang mga programa tulad ng Word at Powerpoint.

Ang spreadsheet o mas kilala sa tawag na worksheet, ay katulad ng isang paper ledger o columnar sheet na binubuo ng mga columns (pinapangalanan ng mga numero) at rows (pinapangalanan ng mga letra). Karaniwan itong ginagamit sa pagkompyut ng mga bayarin, buwis, at pati narin ang mga grado o marka ng estudyante.

 Ang MS Excel ay isang electronic spreadsheet. Kaya ito ay isang spreadsheet na hindi ginagamitan ng papel, bagkus ito ay isang programa sa kompyuter. Kaya hindi na mano mano ang pagsusulat at pagkompyut ng mga data.




Mga Parte ng MS Excel



Paano nakakatulong ang MS Excel sa mga guro?


Mas madaling makokompyut ng guro ang mga marka ng kanyang mga estudyante. Ang MS Excel ay mayroong mga functions formulas na kung saan mas madali at mas mabilis na ang pagkompyut. 


2 komento: